Sunday 10 March 2013

Hi Babe,


       Matagal tagal na din akong hindi nakapagsulat dito.

              Alam ko, nitong mga nakaraang araw, napadalas yung fights natin. Napadalas yung pag iyak mo, napadalas yung pang-iinis ko sayo at pagpapainit ng ulo kaya I decided to do this.


             Kung tutuusin, September pa tayo nagsimula eh. Nagsimula na magmahalan pero walang commitment. Yun yung mga panahong hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo, yung para bang natatakot ka na ewan kahit na sabihin pa nating mabuti yung pakikitungo ko sayo, andun pa yung sandamakmak mong doubts sakin. Kung tutuusin, andami dami na nating pinagdaanan. Sa loob ng mga panahong yun hanggang ngayon, alam ko sa sarili ko na hindi nagbabago kung ano man yung nararamdaman ko para sayo. Sa katunayan nga, mas lumalalim pa to. Kahit napakalaki ng time difference natin, that doesn't stop me.


           Mahal Kita. Hinding-hindi kita kayang iwanan o ipagpalit kahit na sinasabi mo na pwede magbago yung nararamdaman ko sa future. HINDI. HINDING-HINDI. 


          Siguro kung may chance lang na pwedeng maging ikaw ako, mararamdaman mo kung gano mo ko napapasaya sa araw-araw, kung gano kakumpleto yung araw ko kapag nakakusap kita, kapag napapatawa kita at kung gaano kita kamahal. :)


        Wala akong gustong makasamang babae kundi ikaw lang, hanggang sa pagtanda. Para sakin, perfect ka. :)


        Baby ko, I'm sorry sa mga fights natin. Sorry din yung about kay "BESTFRIEND" mo *You know what I mean*. Siguro masama talaga kapag sobrang mabait ka sa isang tao, namimis-interpret kasi. Pero wala ka namang dapat ipagselos sakanya eh. Kasi kung alam mo lang, she's so envy with you, kasi no matter how many times she flirts me, alam nya na never nya akong maagaw sayo. Kasi, alam nya kung gaano kita kamahal.


       Sana dumating na yung time na pwede na kitang makasama. And by that time comes, hinding-hindi ko sasayangin yung bawat minuto. Dun tayo sa mundo natin, yung tayong dalawa ang bubuo. MAGKASAMA, MASAYA, MAGPAKAILANMAN. :)


      I Love You and forever I do. Smile! :)



                                                                                                     - J O N :)

No comments:

Post a Comment