Friday 22 February 2013

"IKO"

Hi Oinkylove,

        Hindi ko alam kung bakit gingawa ko'to ngayon pero kasi parang nagdadalawang-isip ako na tumuloy sa Sunday. Iniisip kasi kita. Paano ka? I mean alam ko nasanay ka na palaging andyan yung presence ko tapos biglang mawawala. Ayokong malungkot ka, ayokong umiyak at mag-alala ka. Sa totoo lang, ayoko namang tumuloy eh. Lalo ko lang kasing pinapamukha sa sarili ko na malubha na ako. Pero kasi yun yung gusto ni Mama. Hindi sya nawawalan ng pag-asa eh. Himala na nsiguro kung may magawa pa yung mga doctor sakin. Pero sana meron. Ayokong maiwan ka mag-isa. May mga balak pa tayo diba? Gusto ko matupad natin yun. Gusto ko, ako yung kasama mo kapag magtravel ka around the world. Huwag na lang kaya akong tumuloy? Ayokong maiwan kita mag-isa. Oo, alam ko hindi ka naman talaga mag-isa kasi kasama mo yung family mo, pero kasi iba pa din kapag ako diba? Sino na lang magpapaalala at mangungulit sayo na gawin mo na agad yung homeworks mo? Na matulog ka ng maaga? Na wag kang aabsent? Haaay. Alam mo, umiiyak ako habang ginagawa koto. Kasi naiisip ko, pano kung hindi na ako makabalik? Bakit ngayon pa ako nagkaganito? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na sobrang masaya ako. Bakit ngayon pa na parte ka na ng buhay ko? Bakit kelangan may hadlang? Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong tumanda tapos mamatay? Sorry dun sa kagabi ha? Ang tanga ko para sabihin yun eh alam ko namang hindi ka maniniwala. Masyado kitang mahal eh at alam ko ramdam mo yun. Ewan ko ba, masyado na akong na-conquer ng thought na kung gaano na ka-severe yung lagay ko. Alam ko na hindi naman ako pababayaan ni Daddy God eh. Pero kasi. Haaaay. Syempre, let's open ourselves to the possibilities diba? Madaming pwedeng mangyari. Pero bahala na, pinagkakatiwala ko na lahat kayDaddy God. :)


PAG-IBIG KO / IKO :)

     Ako lang tumawag sayo nyan. :) Naalala mo yung hula kayo ng hula ni Kayla kung anong meaning nyan. Hahaha. Nakakatawa yung mga times na yun. Uhmmmmm Iko...

     Whatever happens, just be strong okay? Dont cry too much. If ever na hindi na ako makabalik, I just want you to know na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. Thank you for being there all the time. Wag mokong kakalimutan ha? Yung mga nai-share ko sayo sana palagi mong isaisip yun. Kapag namimiss mo ko, pray ka lang. Gusto ko lagi kang magpe-pray. Gusto ko lagi mong kakausapin si Daddy God katulad ng ginagawa ko. Yung worship song na shinare ko sayo gusto ko pakinggan mo yun palagi. This will be the toughest challenge for our relationship. Be strong okay? Just be strong. I Love You. I'LL ALWAYS DO.  :)


                                                  - O I N K Y B A B E :)

Wednesday 20 February 2013

Happy 2nd monthsary :)

Hi Baby,

           What to say? Haha. Sawa na ako sa kaka-english, tagalog na lang muna. Nosebleed na ako eh. LOL.


             Ang bilis ng panahon no? Parang kelan lang. :) Ang dami-dami na din ng nangyari sa atin. Luckily, tayo pa din. Sino bang mag aakala na si Andrea Nicole eh magkakagusto sakin diba? HIMALA. LOL You're once my DREAM but now, you're my REALITY. :)

*********************************************************************************

           Salamat sa LOVE, CARE, CONCERN, for UNDERSTANDING and STAYING with me. Salamat sa mga bagay na alam kong tinatry mong gawin or baguhin just for me. But you don't have to do that. Nagustuhan kita ng ganyan ka, ayokong babaguhin mo yan just for me. Salamat sa time na nilalaan mo sakin. Alam ko busy ka din sa school, sa homeworks kahit na ang procastinator mo. HAHA. Having a 9 hour time difference is not easy lalo na for me. Pero nakasanayan na din magpuyat. Besides, nagagawa ko din yung mga researches ko for school. :) Mas okay na yung ako yung nagpupuyat kesa ikaw. Ayokong isipin ng parents mo na nagiging B.I. ako sa'yo. HEHE. :) Salamat, sobrang salamat sa mga times na nire-remind mo sakin yung mga meds ko tapos nagagalit ka kapag kinakain ko yung mga bawal sakin. Thank you dun. :) I FEEL SO LOVED. :* Salamat sa sweetness mo, sa mga banat mo, sa mga messages mo, KINIKILIG AKO PARATI. :) Salamat din sa PAG-INTINDI. Kilala ko yung sarili ko. Alam kong napakahirap kong intindihin. Kasi may pagka-bossy ako at organized. Bilib ako sayo kasi nagagawa mo akong intindihin. Sobrang salamat dun. :)

*********************************************************************************

        I'm sorry sa mga times na napapaiyak kita, napapag-alala at nasasaktan. Wala namang perpekto eh. I'm sorry dun sa mga away natin dahil lang sa maliliit na bagay. I'm sorry kung minsan ang immature ko, na hindi kita naiintindihan, na ang demanding ko. I'm sorry din sa times na tinatakot kita. Pero kasi, ENJOY ako kapag ginagawa ko yun. HAHA. Ang cute mo kasing asarin. HAHA. I'm sorry din kapag nina-notice ko yung mga bulol words mo. Ang cute cute cute mo kasi kapag nabubulol ka. HEHE. :)

*********************************************************************************

         Ang wish ko lang sa ngayon eh sana mas maging strong pa tayo. Wag ka sanang magsasawa at mapapagod sakin. And gusto ko maging strong ka, wag ka ng iiyak and smile lang palagi. :) Kapag may problema ka, pray ka lang kay Daddy God. Nag-usap na kami eh, Sya daw bahala sa'yo. Mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan yan. Sobra sobra kitang mahal. :)



      HAPPY 2ND MONTHSARY BABE. ;)



                                                         Forever Yours,
                                                                                                                       J O N :)

Sunday 17 February 2013

It's Always You

HI BABE! :)

           This is just another appreaciation for you. :) Diba sabi ko sa'yo na madami akong gustong sabihin, madami akong gustong ipagpasalamat, ipagpa-sorry pero di ko alam kung pano ko sasabihin yun sa'yo. So eto! I made this for that purpose. Sana hindi na naman ako ma-mental block. LOL. Matanda na boyfriend mo eh. HAHA. Maghanda na ng tissue, alam kong iyakin ka. HAHA.


*********************************************************************************

                 You know how hard this situation I'm going through right now. It's really hard to be strong for me at times like this. The thought of it is stucked on my mind. Maybe I can do something about it but the question is, FOR HOW LONG? I keep on praying everyday asking Daddy God why do it need to come this worst? I'm so stupid to ask that eventhough I can answer it by myself. There's no one to blame but ME, MYSELF and I. I knew the DO's and DONT's but I didn't kept that or even thought of that. But yeah, like what they say, "Nasa huli ang pagsisisi." I need to face this.

                 You witnessed how little by little I'm losing hope, how I CRIED, PARANOID, NEGA and AFRAID to that day when HEAVEN will announce MY DEATH....

                 BUT YOU.....

*********************************************************************************

               You stand as my STRENGTH, and especially my HOPE. Thank you for PUSHING and BELIEVING in me. :)

               THANK YOU SA MGA TIMES NA NIRE-REMIND MO AKO SA MGA MEDS KO, SA MGA BAWAL KONG KAININ AT KAPAG NAGAGALIT KA KAPAG DI AKO NAKIKINIG SA'YO. :) SOBRANG SALAMAT.

*********************************************************************************

                Sana hindi ka mapagod at magsawa. Sobrang salamat. I Love You. :*


                                                                                                                       - J O N
               

Thursday 14 February 2013

Happy Valentine's Day OinkyLove

Dear Nikki,

       I won't let this day to pass ng wala man lang akong something special na gagawin para sa'yo. Pagpasensyahan mo na ha? Walang ents kasi tong boyfriend mo. Pero wag kang mag-alala, sure na sure naman na nag-iisa ka lang dito sa aking heart. :">


                          HAPPY VALENTINE'S DAY !!!!


       Alam ko ayaw NATIN i-celebrate to kasi ang WEIRD natin. Haha. Pero kahit na, ayoko pa ding palampasin ang araw na to, na ordinaryong na araw na lamang.


BABE...

    Marami na tayong pinagdaan, kahit yung mga times na hindi pa tayo. Oo, andun yung mga times na parang bibigay na tayo, parang susuko na, parang ayaw na, pero masyadong matibay yung FOUNDATION na nabuo sa pagitan natin kaya hanggang ngayon TAYO pa din.

     SOBRANG MASAYA AKO NUNG MAKILALA KITA, LALO NA NUNG NAGMAHALAN NA TAYONG DALAWA. :)

       No words can express how THANKFUL, HAPPY, and BLESSED I am nun dumating ka sa buhay ko. Baby, wag na wag mong sasabihin na hindi ka good gf sakin, kasi for me, IKAW ang PINAKA-THE BEST. Bigyan man ako ng chance ni Daddy God na papiliin ng babaeng gustong makasama, IKAW PA DIN ANG PIPILIIN KO. Kasi MAHAL NA MAHAL KITA. :) 

     I'M SORRY...

   I'm sorry for those fights we had. For those little things. For being immature. For losing patience. For being self-centered. For making you cry. For EVERYTHING. I know hindi ako yung ideal boyfriend mo, pero alam alam ko na nararamdaman mo kung gaano kita kamahal. Ilang beses man tayo mag-away, HINDING-HINDI MABABWASAN ANG PAGMAMAHAL NA MERON AKO PARA SA'YO. Wag ka ng iiyak ha? Ayoko yun. Kahit na alam ko na ako yung dahilan. Ayoko pa din yun. I know that these fights will make us stronger and push us to try again. :)


 THANK YOU...

   I have millions of things to thank to you. A simple thank you isn't enough. Alam mo naman yun diba? Alam ko ayun din yung mga bagay na pinagpapasalamat mo when it comes the two of us. I'M SO PROUD OF YOU. Why? Kasi you've grown alot. Lalo na sa attitudes mo. Sana magtuluy-tuloy na yan. Thank you sa oras na nilalaan mo para sakin. Sa pasensya, sa sweetness, sa pagintindi lalung-lalo na sa PAGMAMAHAL.


   I WANNA GROW OLD WITH YOU... :)

 Hanggang dito na lang muna. Sana kahit simple lang to, magustuhan mo pa din. Mahal na mahal na mahal kita. :)

                                                               - J O N