Friday 22 February 2013

"IKO"

Hi Oinkylove,

        Hindi ko alam kung bakit gingawa ko'to ngayon pero kasi parang nagdadalawang-isip ako na tumuloy sa Sunday. Iniisip kasi kita. Paano ka? I mean alam ko nasanay ka na palaging andyan yung presence ko tapos biglang mawawala. Ayokong malungkot ka, ayokong umiyak at mag-alala ka. Sa totoo lang, ayoko namang tumuloy eh. Lalo ko lang kasing pinapamukha sa sarili ko na malubha na ako. Pero kasi yun yung gusto ni Mama. Hindi sya nawawalan ng pag-asa eh. Himala na nsiguro kung may magawa pa yung mga doctor sakin. Pero sana meron. Ayokong maiwan ka mag-isa. May mga balak pa tayo diba? Gusto ko matupad natin yun. Gusto ko, ako yung kasama mo kapag magtravel ka around the world. Huwag na lang kaya akong tumuloy? Ayokong maiwan kita mag-isa. Oo, alam ko hindi ka naman talaga mag-isa kasi kasama mo yung family mo, pero kasi iba pa din kapag ako diba? Sino na lang magpapaalala at mangungulit sayo na gawin mo na agad yung homeworks mo? Na matulog ka ng maaga? Na wag kang aabsent? Haaay. Alam mo, umiiyak ako habang ginagawa koto. Kasi naiisip ko, pano kung hindi na ako makabalik? Bakit ngayon pa ako nagkaganito? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na sobrang masaya ako. Bakit ngayon pa na parte ka na ng buhay ko? Bakit kelangan may hadlang? Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong tumanda tapos mamatay? Sorry dun sa kagabi ha? Ang tanga ko para sabihin yun eh alam ko namang hindi ka maniniwala. Masyado kitang mahal eh at alam ko ramdam mo yun. Ewan ko ba, masyado na akong na-conquer ng thought na kung gaano na ka-severe yung lagay ko. Alam ko na hindi naman ako pababayaan ni Daddy God eh. Pero kasi. Haaaay. Syempre, let's open ourselves to the possibilities diba? Madaming pwedeng mangyari. Pero bahala na, pinagkakatiwala ko na lahat kayDaddy God. :)


PAG-IBIG KO / IKO :)

     Ako lang tumawag sayo nyan. :) Naalala mo yung hula kayo ng hula ni Kayla kung anong meaning nyan. Hahaha. Nakakatawa yung mga times na yun. Uhmmmmm Iko...

     Whatever happens, just be strong okay? Dont cry too much. If ever na hindi na ako makabalik, I just want you to know na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA. Thank you for being there all the time. Wag mokong kakalimutan ha? Yung mga nai-share ko sayo sana palagi mong isaisip yun. Kapag namimiss mo ko, pray ka lang. Gusto ko lagi kang magpe-pray. Gusto ko lagi mong kakausapin si Daddy God katulad ng ginagawa ko. Yung worship song na shinare ko sayo gusto ko pakinggan mo yun palagi. This will be the toughest challenge for our relationship. Be strong okay? Just be strong. I Love You. I'LL ALWAYS DO.  :)


                                                  - O I N K Y B A B E :)

No comments:

Post a Comment