Wednesday 20 February 2013

Happy 2nd monthsary :)

Hi Baby,

           What to say? Haha. Sawa na ako sa kaka-english, tagalog na lang muna. Nosebleed na ako eh. LOL.


             Ang bilis ng panahon no? Parang kelan lang. :) Ang dami-dami na din ng nangyari sa atin. Luckily, tayo pa din. Sino bang mag aakala na si Andrea Nicole eh magkakagusto sakin diba? HIMALA. LOL You're once my DREAM but now, you're my REALITY. :)

*********************************************************************************

           Salamat sa LOVE, CARE, CONCERN, for UNDERSTANDING and STAYING with me. Salamat sa mga bagay na alam kong tinatry mong gawin or baguhin just for me. But you don't have to do that. Nagustuhan kita ng ganyan ka, ayokong babaguhin mo yan just for me. Salamat sa time na nilalaan mo sakin. Alam ko busy ka din sa school, sa homeworks kahit na ang procastinator mo. HAHA. Having a 9 hour time difference is not easy lalo na for me. Pero nakasanayan na din magpuyat. Besides, nagagawa ko din yung mga researches ko for school. :) Mas okay na yung ako yung nagpupuyat kesa ikaw. Ayokong isipin ng parents mo na nagiging B.I. ako sa'yo. HEHE. :) Salamat, sobrang salamat sa mga times na nire-remind mo sakin yung mga meds ko tapos nagagalit ka kapag kinakain ko yung mga bawal sakin. Thank you dun. :) I FEEL SO LOVED. :* Salamat sa sweetness mo, sa mga banat mo, sa mga messages mo, KINIKILIG AKO PARATI. :) Salamat din sa PAG-INTINDI. Kilala ko yung sarili ko. Alam kong napakahirap kong intindihin. Kasi may pagka-bossy ako at organized. Bilib ako sayo kasi nagagawa mo akong intindihin. Sobrang salamat dun. :)

*********************************************************************************

        I'm sorry sa mga times na napapaiyak kita, napapag-alala at nasasaktan. Wala namang perpekto eh. I'm sorry dun sa mga away natin dahil lang sa maliliit na bagay. I'm sorry kung minsan ang immature ko, na hindi kita naiintindihan, na ang demanding ko. I'm sorry din sa times na tinatakot kita. Pero kasi, ENJOY ako kapag ginagawa ko yun. HAHA. Ang cute mo kasing asarin. HAHA. I'm sorry din kapag nina-notice ko yung mga bulol words mo. Ang cute cute cute mo kasi kapag nabubulol ka. HEHE. :)

*********************************************************************************

         Ang wish ko lang sa ngayon eh sana mas maging strong pa tayo. Wag ka sanang magsasawa at mapapagod sakin. And gusto ko maging strong ka, wag ka ng iiyak and smile lang palagi. :) Kapag may problema ka, pray ka lang kay Daddy God. Nag-usap na kami eh, Sya daw bahala sa'yo. Mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan yan. Sobra sobra kitang mahal. :)



      HAPPY 2ND MONTHSARY BABE. ;)



                                                         Forever Yours,
                                                                                                                       J O N :)

15 comments: